Ang Kalusugan ay Kayamanan

About

Ang website na ito Kalusugan ay Kayamanan ay naglalaman ng mga Lutong Pilipino mula sa pang-ulam, sabaw, meryenda at panghimagas.

Ito ay gawa bilang proyekto ng kababaehan sa Luisiana Evangelical Church noong ako’y naka distino doon mula 2006-2012.

Ang layunin ng proyekto ay mabigyan ng kaalaman ang mga kababehan at kalalakihan sa bawat tahanan upang makapagluto ng sariling kanya para sa pamilya nang mas murang halaga ngunit pareho ang kalidad ng lasa sa matatagpuan sa mga malalaking Food Chains gaya ng Jollibee, McDonalds, Kentucky, atbp.

Nahalungkat ko ang Handbook na ito ng CWA noong naglipat kami ng mga gamit papunta Mabitac.  Apat na taon na nakaimbak ang mga kahon at hindi nagalaw kaya muntik ng maubos ng daga ang nasabing libro na ginawa ng kababaehan.

Kalusugan ay Kayamanan-CWA Handbook for Lutong Pilipino

Kalusugan ay Kayamanan-CWA Handbook for Lutong Pilipino

 

Aking inilathala dito sa Internet para matulongan ang mga sambahayan hindi lamang sa UCCP kundi sa lahat na makabasa at interesado na matuto sa pagluluto para sa kanilang mga pamilya.

Alam ko mas mabuti na ito ay makita dito sa website dahil hindi kayang sirain ng anay, daga, at iba pang mga hayop na masyadong nakikialam pag ang mga gamit ay hindi nagagalw ng ilang panahon.

Ang pakinabang ng nasa website ay kahit lumipat ka sa ibang lugar ay puede mong ma-access kahit saan ka basta may signal at connection sa Internet.

Kung may nakita kayong problema o kakulangan sa mga sangkap, at mga procedures ng pagluluto ay mangyaring iparating ang inyong mga kaisipan upang ating idagdag at lalong mapaganda ang kaalaman na ito para sa ating mga kababaehan at sinuman na mamakita saan mang bahagi ng mundo.

Ipadala ang inyong mensahe sa mga sumusunod na email addresses:
uccpako@gmail.com

 

======

Paanyaya Ko Sainyo

Narinig ba ninyo na malakas ang negosyo sa internet? Totoo po yan. Peru hindi beru ang gawaing ito dahil parang sa pagluluto din na may tamang sangkap at gamit para maluto ang isang masarap na pagkain.

Kung gusto mong matuto kung paano ka kumita sa internet sa tamang paraan at sa hindi hulahula lamang ay kailangang may ‘training’ o pagaaral ka. Ang ‘training’ o pagaaral na ito ay hindi kailangang pagkagastusan kundi kasama sa package ng iyong sasamahang tinatawag na ‘platform’.

Isa sa mga ‘platforms’ na aking nakita na legit ay nagbibigay ng Online Entrepreneur Certification Course at Affiliate Bootcamp o Training. 

Dalawa ang pagsali dito, puede Free Starter Membership para subukan mo muna kung ano ang nasa loob ng platform na yan. At kung nagustuhan mo puede ka sumali sa Premium Membership.

Kung ikaw ay premium member na marami kang pakinabang. Kung sa Free Starter membership ay makakagawa ka na ng website na libre, dito sa Premium Membership ay marami ka nang matutunan na nasa iisang package.

Ang package na ito ay affordable, comprehensive at legit. Habang ikaw ay nag-aaral puede ka pa kumita kung masundan mo ng tama ang itinuturo saiyo.

Kaya ang tanong, gusto mo bang mag-engage sa online business?

Kung gusto mo subukan mo na. Pindutin ang banner sa ibaba at ikaw ay papasok sa libreng pag-aaral.

 

Kung ikaw ay nakapagumpisa na sa loob at may katanungan ka na gusto ideretso sa akin ay ipadala sa email address na aking inilagay sa itaas.

 

Maraming salamat sainyong lahat,
Accad