Adobo sa Kamatis-Lutong Pilipino . Kalusugan ay Kayamanan

Adobo sa Kamatis-Lutong Pilipino

Mga sangkap:

½ kilo ng karneng baboy o manok
1 ulo ng bawang, dinikdik
2 tsp asin
½ cup suka
5 kamatis, tinadtad

Sa isang kawali, pagsamasamahin ang karne, bawang, suka, asin at paminta.  Pakuluan ng hindi tinatakpan. Lagyan ng ½ cup na tubig at takpan.  Lutuin hanggang lumambot ang karne.  Bayaang kumati ang sabaw pero hindi sunog.  Ilagay ang tinadtad na kamatis at haluin.  Takpan muli at hayaang maluto ang kamatis.  Dagdagan ng tubig kung nais na mas marami ang sarsa ng adobo.

Leave a Comment