Beef with Mushroom and Oyster Sauce . Kalusugan ay Kayamanan

Beef with Mushroom and Oyster Sauce

Mga sangkap:

½ kilo karneng baka o kalabaw, ginayat ng panipis at pahaba
1 lata whole mushroom (mushroom buttons)
1 Tbsp cornstarch, tinunaw sa kaunting tubig
2 Tbsp mantika
5 butil ng bawang, dinikdik
2 Tbsp oyster sauce
sibuyas, ginayat
2 Tbsp toyo

Igisa ang bawang, sibuyas at karne. Lagyan ng toyo at oyster sauce.  Takpan at lutuin hanggang lumambot ang karne.  Lagyan ng tubig kung kinakailangan.  Ilagay ang mushroom buttons at lutuin pa ng 5 minuto.  Ihalo ang pampalapot n sarsa.

 

Leave a Comment