Bola-Bolang Manok . Kalusugan ay Kayamanan

Bola-Bolang Manok

Kalusugan ay Kayamanan Lutong Pilipino-Bola-bolang Manok

 

Mga sangkap:

2 cup pitso ng manok, nilaga at tinadtad
2 sibuyas, tinadtad
2 Tbsp margarine
½ cup tinapay ibinabad sa 4 Tbsp gatas
2 itlog , binate
2 tsp asin
½ tsp paminta
Vetsin

Igisa ang sibuyas, idagdag ang tinapay at haluing mabuti. Palamigin.

Sa isang mixing bowl, paghaluhaluin ang ntitira pang mga sangkap.  Isama ang ginisang sibuyas at tinapay.  Haluing mabuti.  Itabi sa refrigerator ng 30 minuto.  Kortehing para sa bola-bola or patties.  Iprito. Maaaring ulam o palaman sa tinapay.

 

 

Leave a Comment