Economy Meat Balls-Lutong Pilipino . Kalusugan ay Kayamanan

Economy Meat Balls-Lutong Pilipino

Mga sangkap;

½ kilong giniling na baboy
4 butil ng bawang, dinikdik
1 sibuyas, ginayat ng pino
1 siling pula, ginayat ng pino
Dahon ng oregano o kenchay
Sibuyas na mura
½ kilong singkamas, niyadyad at piniga
½ tsp paminta
1 Tbsp asin
2 itlog, binate
½ cup harina
1 carrot, ginayat ng pino
½ tsp vetsin

Pagsamasamahin ang lahat ng sangkap maliban sa itlog at harina.  Haluing mabuti.  Ihalo sa binating itlog ang harina at ibuhos sa portk mixture.  Haluin at bliugin ang bola-bola.

Ihanay sa isang pinggang may harina upang hindi dumikit.  Iprito sa mainit na mantika hanggang maging brown ang kulay.  Ihaing may sweet and sour sauce.

Leave a Comment