Everlasting-Lutong Pilipino . Kalusugan ay Kayamanan

Everlasting-Lutong Pilipino

Mga sangkap:

½ kilo baboy, tinadtad o giniling
½ ulo ng bawang, dinikdik
1 sibuyas, ginayat ng pino
2 tsp patis
½ cup pickle relish
1 carrot, ginayat ng pino
¼ cup tomato sauce
4-5 itlog
2 tsp toyo
¼ piraso chorizo de bilbao
2 lara, 1 pula, 1 berde
2 Tbsp pasas
½ cup sausage, ginayat ng pino

Pahiyas sa Llanera: (4 medium llanera)

2 itlog na nilaga at ginayat ng manipis
1 lara pula, ginayat ng pahaba
½ cup sausage, ginayat
Pasas
Margarine

Pahiran ng margarine ang loob, palibot ng llanera.  Lagyan ng wax paper ang llanera at iayos ang mga sangkap sa itaas ayon sa nais.  Isantabi.

Igisa ang giniling na baboy sa bawang, sibuyas at lagyan ng patis, toyo.  Idagdag pa ang ibang sangkap.  Habang pinapalamig ang ginisang karne, batihin ang itlog ng samasama.  Ibuhos sa karne na malamig na at haluin.  Ilagay sa mga pinahiyasang llanera at pasingawan sa loob ng 30-45 minuto.  Ihaing pataob.

Leave a Comment