Hamonado-Lutong Pilipino . Kalusugan ay Kayamanan

Hamonado-Lutong Pilipino

Mga sangkap:

1 kilo ng baboy, hiniwa ng manipis na palapad (tinapa) alis ang balat
¾ cup asukal na puti
1 tsp. salitre
¼ cup asin
1 lata ng pineapple juice medium size

Pagsamasamahin ang asukal, asin, at litre.  Haluing mabuti. Igulong at kuskusing maigi ng misture (marinade) ang karne sa magkabilang panig.  Ibabad ang karne sa natirang marinade ng magdamag at ilagay sa refrigerator.

Kinabukasan, bilutin ang karne at talian ng pisi ng mahigpit.  Hayaan pa ring nakababad sa marinade ng 1-2 araw sa loob ng ref.  Bilingbilingin paminsanminsan.

Pakuluan ang hamonado sa pineapple juice ng may takip at hayaang lumambot at ang sarsa at malapot-lapot.

Bago ihain, alisin ang tali ng hamonado at gayatin ng manipis pahalang.  Buhusan ng sarsa sa ibabaw.

Leave a Comment