Humba-Lutong Pilipino . Kalusugan ay Kayamanan

Humba-Lutong Pilipino

Mga sangkap:

1 kilo baboy, buong pigue
1 cup tubig
2 Tbsp asukal na pula
3 butil na bawang, dinikdik
2 Tbsp tusi (black beans)
½ pirasong dahon laurel
2 Tbsp toyo
1 tsp asin
2 Tbsp mantika
½ cup sukang puti

Pagsamasamahin ang baboy at lahat ng mga sangkap sa isang kaserola at lutuin hanggang sa lumambot ang karne. Ahunin ang karne at gayatin sa serving pieces.  Iayos sa serving dish.  Salain ang sarsa (pinaglutuan ng karne) at ibuhos sa ibabaw ng karne.  Ihaing mainit.

 

Leave a Comment