Meat Balls and Noodle Soup . Kalusugan ay Kayamanan

Meat Balls and Noodle Soup

Mga sangkap:

¼ kilo giniling na baboy o baka
1 itlog
1/3 cup bread crumbs
1 sibuyas, tinadtad
3 butil ng bawang, dinikdik
½ tsp. asin
¼ tsp. pamintang durog
1 tsp. dahon ng oregano, tinadtad
¼ cup gatas evaporada

       Gulay at Noodle Soup:

3 butil ng bawang, dinikdik
1 sibuyas, ginayat
3 kamatis, ginayat
1 carrot, ginayat ng pakuwadrado
1 patatas, ginayat ng pakuwadrado
6 cups tubig
1 tsp. asin
¼ tsp pamintang durog
1 guhit spaghetti noodles, niluto ng ayon sa paraan sa label.
½ tsp. vetsin

Pagsamasamahin ang mga sangkap ng meat balls at haluing mabuti.  Gawing bola-bola at iprito hanggang maging brown ang kulay.  Isantabi muna.

Igisa ang bawang, sibuyas, kamatis at iba pang gulay.  Lagyan ng 6 tasang tubig at hayaang kumulo.  Isama ang nilutong spaghetti noodles at hinaan ang apoy.  Timplahan ng ayon sa panlasa.  Isama ang meat balls at lutuin pa ng 2 minuto.  Ihaing may ginayat na sibuyas na mura sa ibabaw ng soup.

Leave a Comment