Mechadong Manok-Lutong Pilipino . Kalusugan ay Kayamanan

Mechadong Manok-Lutong Pilipino

Mga sangkap:

            ½ kilong manok, ginayat sa serving pieces
            2 patatas, ginayat at pinirito
            8 butil ng bawang, dinikdik
            1 sibuyas na ginayat
            1 tsp patis
            ½ cup tomato sauce
            1 malaking siling pula
            1 tsp asin

Igisa ang bawang, sibuyas at manok.  Lagyan ng patis at tomato sauce at lutuin hanggang lumambot ang manok.  Idagdag ang patatas at siling pula. Takpan at lutuin pa ng 5-10 minuto.

 

Leave a Comment