Menudo-Lutong Pilipino . Kalusugan ay Kayamanan

Menudo-Lutong Pilipino

Mga sangkap:

1 kilo baboy, inalisan ng balat
¼ kilo ng atay ng baboy, manok o kalabaw
½ ulo ng bawang, dinikdik
¼ chorizo de bilbao, ginayat
¼ cup pickles, ginayat o relish
1/3 cup tomato catsup (optional)
2 medium patatas, ginayat tulad ng laki ng karne, iprito
2 sibuyas, ginayat
2 Tbsp toyo
¼ cup pasas
2 Tbsp patis
¾ cup tomato sauce
¼ cup keso, niyadyad

Igisa ang bawang at sibuyas.  Isama ang karne, lagyan ng patis at toyo.  Haluin at takpan ng may katamtamang apoy.  Bayaang lumambot ang karne, lagyan ng tubig kung kumakati.  Ilagay ang chorizo de bilbao, pickles at tomato sauce.  Takpang muli at pakuluan hanggang sa maluto ang karne.  Idagdag ang carrot, pasas at piniritong patatas.

Hayaang kumulo.  Bago hanguin, ilagay ang niyadyad na keso.

 

Leave a Comment