Morcon-Kalusugan ay Kayamanan . Kalusugan ay Kayamanan

Morcon-Kalusugan ay Kayamanan

Kalusugan ay Kayamanan Lutong Pilipino-Morcon

 

Mga sangkap:

  1 kilong karneng baka o kalabaw, sliced ng malapad, ¼ to ½ inch ang
Kapal
1 lata Vienna sausage, gayatin sa apat na piraso ang isa ng pahaba
1 piraso ng buong sweet pickels, gayatin ng pahaba at makitid
1 carrot, ginayat ng pahaba
1 guhit na keso, ginayat ng pahaba
2 Tbsp harina
2 Tbsp kalamansi juice
2 itlog nilaga, ginayat
3 cups tubig
½ tsp asin
¼ toyo
¼ cup mantika
½ tomato sauce
½ tsp vetsin

Imarinade ang karne sa toyo at kalamansi.  Ilatag sa isang pinggan at ihanay sa gitna ng karne ang sausage, pickles, keso, itlog at carrots.  Bilutin ng maayos at talian ng pisi ng mahigpit.  Igulong sa harina at iprito ng kaunti hanggang sa maging brown ang kulay.

Magpakulo ng tubig sa isang kaserola.  Ilagay ang tomato sauce, asin at vetsin.  Ihulog ang mga binilot nna karne, takpan at hinaan ang apoy.  Lutuin hanggang lumambot ang karne.  Sa paghahain, gayatin ang karne, ayusin sa pinggan at buhusan ng sarsang pinaglutuan.

Leave a Comment