Perfection Roll-Lutong Pilipino . Kalusugan ay Kayamanan

Perfection Roll-Lutong Pilipino

(Pork Morcon)

Mga sangkap:
½ kilo laman ng baboy, tinapa (sliced thinly)
4 kalamansi
½ cup toyo
3 itlog, nilaga at ginayat
3 piraso, whole pickles, pinag-apat ang isa, pahaba
1 carrot, ginayat ng pahaba
½ ulo ng bawang, dinikdik
¼ cup pasas

Sarsa:

3 butil ng bawang
1 sibuyas
½ cup tomato sauce
2 cup tubig
¼ cup sukang puti
1 dahon ng laurel
1 tsp asin
½ tsp paminta

Ibabad ang karne sa marinade (kalamansi, toyo at bawang) ng isang oras.  Ilatag ang karne at palaman sa gitna ng pasas, itlog, pickles at carrot.  Bilutin at talian ng pisi.  Igisa ang sarsa.  Ilagay ang karne at lutuin sa sarsa hanggang lumambot.

 

Leave a Comment