Pork ala Barbecue-Lutong Pilipino . Kalusugan ay Kayamanan

Pork ala Barbecue-Lutong Pilipino

Mga sangkap:

½ kilong baboy, ginayat ng parang sa barbecue

Marinade:

¼ cup toyo
2 Tbsp banana catsup
¼ tsp pamintang durog
3 kalamansi
¼ suka
1 Tbsp asukal na pula
½ ulo ng bawang, dinikdik

Ibabad ang karne sa marinade ng kalahating oras.  Ilagay sa isang kaserola o kawali ang karne kasama ang marinade at pakuluin ng walang takip.

Hinaan ang apoy at patuloy na lutuin ng may takip hanggang lumambot ang karne.  Kung malambot na ang karne at may sabaw pa, alisin muna ang sabaw at isantabi.  Lagyan ng kaunting pantika ang karne at iprito ng half-cook.  Ibalik ang sabaw para maging sarsa at lutuin ng 5-10 minuto.

 

Leave a Comment