Pork Estofado-Lutong Pilipino . Kalusugan ay Kayamanan

Pork Estofado-Lutong Pilipino

Mga sangkap:

¼ cup mantika
1 inch cube
1 sibuyas, ginayat
1/3 cup asukal na pula
3 butil ng bawang, dinikdik
1 lara o siling pula, ginayat
½-1 cup suka (depende sa asim)
½ kilo karneng baboy, ginayat
4 na saging na saba, ginayat ng pahilis ½ inch, iprito
8 butil na paminta, buo
1 carrot, cubed ½ inch
¼ cup toyo
½ cup tubig
1 patatas, cubed ½ inch, iprito
1 piraso dahon ng laurel

Iprito ang karne hanggang maging light brown ang kulay. Ahunin ang karne at igisa ang bawang at sibuyas, at ilagay muli ang karne.  Lagyan ng suka, toyo at asukal. Pakuluin ng hindi hinahalo. Lagyan ng tubig, idagdag ang pamintang buo at dahon ng laurel. Takpan at hinaan ang apoy.  Lutuin hanggang lumambot ang karne.  Idagdag ang carrots at patatas.  Pakuluin.  Ihaing may kasamang piniritong saging na saba sa ibabaw.

Leave a Comment