Tamis-Anghang Manok . Kalusugan ay Kayamanan

Tamis-Anghang Manok

Mga sangkap:

  • ¾ kilo picho ng manok, inalisan ng buto at ginayat-1 inch by 2 inches ang laki
  • 1 itlog
  • ½ tsp baking powder
  • ½ tsp asin
  • ½ cup tubig
  • ½ cup harina
  • ¼ tsp paminta

 

Sarsa:

  • ½ cup mantika
  • ½ Tbsp chili catsup
  • 1 ½ asin
  • ¼ tsp paminta
  • 2 Tbsp cornstarch, tinunaw sa tubig
  • 1 carrot, ginayat, manipis, pabilog
  • 1 sili, berde, 1 sili pula, ginayat
  • 2 Tbsp catsup
  • 2 Tbsp toyo
  • 2 Tbsp asukal
  • 1 ¼ cup tubig

Batihin ang itlog, idagdag ang ½ cup at ihalo pa ang ibang sangkap, baking powder, asin at paminta.  Haluing mabuti hanggang wala nang buo-buong harina.  Isama sa manok.

Sa isang kawali ay iprito ang patatas, pagkatapos ang manok na may harina hanggang maging golden brown.  Isantabi.

Sarsa:

Bawasan ang mantikang pinaprtiuhan ng manok.  Iprito ang catsup, isunod ang carrots at sili, at iba pang mga sankap maliban sa tubig at cornstarch.  Lagyan ng tubig, pakuluin at ilagay ang pampalapot ng sarsa.

Sa isang serving dish, iayos ang piniritong manok at patatas at buhusan ng sarsa bago ihain.

 

 

Leave a Comment